The Saga of Monthsary *BOW*

Image

Noong taong dalawang libo’t siyam, may isang babaeng high school student pa lang ay nag-aambisyon ng pumasok sa isang relasyon. Siya ang ating bida. Gusto na niyang magka-boyfriend, kaya kahit bata pa siya sinisikap na niyang gumawa ng mga paraan para naman may ma-inlove sa kanya. Nagpapaganda siya, naliligo araw-araw at nagpapabango.

Hanggang sa naging effective nga ang kanyang mga ginawa. ISANG ARAW, may isang lalakeng malakas ang loob, matibay ang buto at mataas ang self-confidence ang lumapit sa kanya nung break time nila. Nagpakilala ang lalake at tinanong ang cellphone number niya. Nagpakipot muna si Bida ng konti pero binigay din naman niya ang number niya. Naging textmate nga sila, sa una friends muna (ummm. . .showbiz), at tuluyan ng nanligaw ang lalake, at BINGO! naging boyfriend na niya ‘to. Lahat ng ito ay nangyari sa loob lang ng ISANG ARAW.

Mabilis ang pangyayari, pero balewala ito sa Bida. Feeling niya inlove na inlove siya, kaya nga noong first day nilang magkasama bilang lovers, lahat ng gusto at plano ni Bida about sa magiging Anniversary nila ay sinabi na niya agad sa lalake. Masaya naman ang relasyon nila parang love team nina John Lloyd at Bea. Excited na sana siya, kaya lang after 2 weeks, pag labas ni Bida sa school ay nakita niya ang Prince Charming niya na may kasamang Witch (take note: sobrang sweet nila). Kaya naman napasugod ang Bida sa dalawa, di napigilan ang sarili sabihin sa kanyang boyfriend-“how dare you?”. Inaway-away niya si boyfriend pati na rin si Witch, kaso gumawa ng curse si Witch kaya natalo siya. Matagal na pa lang girlfriend ni Prince Charming si Witch, it means na kabit lang pala si Bida, kaya wala siyang nagawa kundi mag walk-out at magbigay ng final words-“I shall return!”. Iyon na lamang ang nasabi niya.

Tumakbo siyang umiiyak sa ulan (naks! parang telenovela). Pagdating niya sa bahay nila ay nagkulong siya sa kwarto at nagpaka-emo, umiiyak siya habang nag-sa-soundtrip. Ilang araw niya ring iniisip kung bakit siya naloko ng Prince Charming niya,naisip niya na baka masyado siyang nag madali at hindi muna kinilala ang lalake. Napag-desisyunan ni Bida na hindi na siya magpapaligaw sa loob ng ISANG ARAW. Patatagalin niya muna ang pag-papakipot para lubos niyang makilala ang magiging boyfriend niya.

Hanggang sa nakapag-move-on na ang ating Bida, bumalik na siya sa pag-iisip niya (kung may isip nga siya). Samantala, habang naglalakad siya papasok sa gate ng school campus ay may isang lalakeng tumatakbo ang naka-bunggo sa kanya, nabitawan niya ang mga dala niyang libro, at sa sobrang katangahan ni Bida tumama ang ulo niya sa rehas ng gate, hindi kasi siya mentally present. Tinulungan siya ng lalakeng naka-bangga sa kanya, dinampot nito ang mga libro ni Bida, nagkahawakan pa sila ng kamay nang magkasabay nilang pulutin ang isang libro, nagkatitigan sila at may naramdaman silang spark (may live wire pala sa tapat nila). Matapos damputin ang dalawang dosenang libro, humingi ng sorry ang lalake at umalis na. Sinundan siya ng tingin ni Bida pero ang bilis nitong nawalang parang magnanakaw. Simula noon naramdaman na ni Bida na parang na love at first sight siya, umaasa siyang makikita muli ang Knight in Shining Armor niya (medyo old school ang pagkikita nila).

Minsan, niyaya si Bida ng mga friendship niyang manood ng practice game ng mga Basketball Players ng school nila. Pumayag siya, pumunta sila sa gym, sa unahan sila umupo para makita nila ng mas mabuti ang mga gwapong players. Pagkaupong-pagkaupo nila ay napako ang tingin ni Bida kay Player 13, hindi siya pwedeng magkamali dahil ang lalakeng ‘yon ang naka-bangga niya. Sa sobrang pag-titig niya sa lalake, nawala ang atensyon niya sa ibang bagay na para bang walang ibang tao sa mundo kundi sila lamang dalawa ng Player. Hindi niya rin namalayan ang bolang paparating sa kina-uupuan nila, nakaiwas ang mga friends niya pero ang Bida?,ayon! sapul sa mukha niya ang bola. Nahilo siya, nakakakita siya ng mga stars, tinanong ng mga friends niya kung ok lang siya (malamang hindi). Lumapit sa kanya ang isang player para kunin ang bola at syempre para humingi ng sorry sa kanya. Parang gusto niya ulit mawalan ng malay dahil si Player 13 ang lumapit sa kanya, nagkita na naman sila ng Knight in Shining Armor niya accidentally (literal na aksidente).

Hinintay ni Bida na matapos ang laro, gusto niya kasi makilala si Basketball Player. Matapos ang isang siglo natapos din ang practice game, nag-uwian na ang ibang mga players at ang mag friends ni Bida. Nilakasan niya ang loob at kinapalan ang mukha, tsaka nilapitan si Basketball Player. “Hi” intro niya, “Are you remembering me?” (wrong grammar pa si Bida). Napa-question mark ang expression ng mukha ni Player dahil sa english ni Bida, pinilit na lang niya itong intindihin kahit sa totoo lang gusto na niyang masuka. “Oo, natatandaan kita”-sabi ni Player. Humingi ito ulit ng pasensya kay Bida, doon na nag simula ang closeness nila.

Pagkatapos ng getting-to-know each other moment nila, nanligaw na si Player kay Bida. Sinagot naman niya ‘to, ngunit hindi naman niya sinira ang pangako sa sarili. Hindi siya nag-paligaw sa loob lang ng ISANG ARAW, tumagal din ang pagpapakipot niya ng ISANG LINGGO bago siya napasagot ni Player. Ang saya ng bonding nila bilang lovers, madalas si Player pa ang nag me-make-up sa kanya’t pumipili ng damit na isusuot niya kung gagala sila. Feeling ni Bida masyado lang protective at sensitive si Player kaya ganoon ang kilos ng lalake. Pinag-uusapan din nila ang tungkol sa celebration ng Anniversary nila. Masaya si Bida dahil ang daming ideas ni Player tungkol sa topic nila.

Natapos ang kaligayahan ni Bida nang pagkalipas ng dalawang buwan ay nakikipag-break na sa kanya si Player. Hindi niya ito maintindihan dahil wala naman silang pinag-aawayan, parehas pa nga nilang favorite color ang  pink. Kaya naman tinanong niya si Player ng straight-to-the-point kung bakit ito nakikipaghiwalay. “I’m Gay”-sabi ni Player, sinabi rin ni Player na kaya lang siya sumali sa Basketball Team ay para ma-tsansingan ang mga crush niyang players dahil sabay-sabay silang naliligo pagkatapos ng laro nila. At kaya niya niligawan si Bida ay para hindi siya pag hinalaan ng mga ka-team mates niya na isa siyang bakla. Naloka si Bida sa kanyang narinig, hindi niya akalaing pumatol siya sa kapwa niya girl,wala siyang kaalam-alam na ginamit lang siya nito. Hindi niya matanggap na hindi siya gusto ni Player, dahil ang gusto pala nito ay maging Cheerer.

Lubos na namang nasaktan ang ating Bida, napakamalas ng pag-ibig para sa kanya. Gusto niya sanang mag suicide kaya lang takot siya sa dugo, wala rin sa phonebook niya ang emergency hotline kung sakaling maglaslas siya ng pulso. Kaya naman pinili na lang niya mabuhay, maging matatag at magsimula ng panibagong bukas.

Dumaan ang maraming araw, buwan at bituin. Umambon, umulan, bumagyo at bumaha sa Marikina. Ang ating Bida ay nakapag move-on na ulit, balik na siya sa abnormal niyang buhay. Muli, umaasa siyang may tapat na lalake ang magmamahal sa kanya.

Sa school, ina-nounce ng adviser nila na magkakaroon sila ng Welcome Party para sa mga freshman students, pinaghahanda sila para sa darating na party. Ayaw na sana niyang pumunta sa party dahil loveless siya kundi lang siya tinukso na “KJ” ng mga kaibigan niya. Hindi siya excited, bumili agad siya ng bagong damit.

Araw ng Party, ang lahat ay masaya, pasikatan ng porma at pagandahan ng hairstyle. Yung iba parang fashion model, ang iba parang pupunta sa patay (all black), at ang iba parang naghukay pa sa baul ni lola sa style ng damit nila. Lahat ay nag-eenjoy habang sumasayaw except sa ating Bida, nakaupo lang siya sa tabi, pinapanood ang mga school mates at friends niya. Tinugtog ang isang love song, lahat ay nag sayaw ng sweet, lahat ay may partner at naiingit siya. Napawi ang inggit niya ng isang lalakeng lumapit at ayain siya nitong sumayaw. Natulala siya, nag shake ang world niya, bumaba ang mga anghel sa langit at nag-awitan (ng kumain siya ng voice). Pinana na naman ata ni Cupid ang puso niya. Muli siyang tinanong ng lalake kung pwede silang mag sayaw,  natauhan si Bida at pumayag siya sa alok. Ang sweet ng tugtog, para sa kanya right timing ang lalake sa pagyaya sa kanya dahil lalo siyang na-i-inlove dito. Pagdating nila sa gitna para mag sayaw, napalitan ang love song ng hiphop. Napakamalas talaga, feeling niya sinadyang palitan ng DJ ang tugtog. Hindi na sweet ang kanta nila, napilitan si Bida makipagsayaw ng hiphop kay Dancer. Hihintayin niya na lang ulit magpatugtog ng love song, naubos na lahat ng CD sa Odyssey wala pa rin ang love song na hinihintay niya. Pagod na ang mag binti’t paa niya kaya niyaya na niya si Dancer na magpahinga. Bumalik sila sa upuan, akmang uupo pa lang si Bida ay biglang nagpatugtog ulit ng love song ang DJ. Parang gustong ibato ni Bida ang sapatos niya sa DJ, gusto niya itong barilin sa ulo, ipakain sa leon, ipain sa pating, baliin ang mga buto, pakuluan sa mainit na tubig, lagyan ng sibuyas at kamatis at ipadala sa Mars. Feeling niya nananadya ang DJ, baka may galit ito sa kanya. Anyway, si Dancer naman ay kinuha siya ng maiinom kaya napawi ang galit niya.

Pagkatapos magpakilala sa isa’t-isa, nagkwentuhan about sa mga personal nilang buhay, about sa family nila lahi at mga ninuno nila, pati mga alagang hayop, lamok, ipis at mga butiki sa bahay nila. Dumating ang mga araw naging close friends na sila, at dumating pa ang mga ilang araw nanligaw na si Dancer kay Bida, at dumating pa ang mga ilang-ilang araw ay sinagot na ni Bida si Dancer. Ayaw na sana niyang magmahal kaso anong magagawa niya?. Meron siyang malaking puso na tumitibok ata ng 200 per second sa tuwing nakakakita siya ng lalake at utak na kasing-liit ng munggo sa katangahan.

Muli naging makulay ang buhay ng ating Bida, ngumingiti at tumatawa na ulit siya. Nagkaroon na siya ng bagong inspirasyon, happy siya dahil seryoso naman si Dancer sa kanya. Wala itong ibang girlfriend at hindi rin ito bading. Napag-uusapan din nila ang magiging Anniversary nila. Dumating ang dalawang buwan, natakot si Bida dahil baka may masamang mangyari sa relasyon nila, pero wala naman, nagpatuloy ang relasyon nila hanggang sa apat na buwan na silang lovers in Paris.

Lumipas at nakupas pa ng mga araw na magka-relasyon sila. Nag-aalala na si Bida dahil isang linggo ng absent si Dancer, iba’t-iba ang pumapasok sa utak niyang posibleng  maging dahilan nito sa pagliban sa klase. Baka may sakit si Dancer, o kaya naman ay naaksidente, nasagasaan at na-comatose, na-murder at tinapon ang bangkay sa ilog, o di kaya’y kinidnap ng Abbu-Sayaff (patay!wala siyang pang-ransom). Natigil ang pag-i-imagine niya ng kung anu-ano ng lumapit ang isang estudyante’t iabot sa kanya ang dala nitong sulat. Kinabahan siya dahil baka isa itong death threat, binasa niya ang nakasulat sa sobre, nawala ang kaba niya dahil galing pala ito sa kanyang boyfriend. Masaya niyang binuksan ang sobre at binasa agad ang sulat na may title na “Liham Pagpapaalam”. Lumuluha ng dugo si Bida habang nagbabasa, lumipat na pala ng tirahan ang pamilya ni Dancer, at lumipat na rin ito ng school. Pinuputol na ni Dancer ang relasyon nila dahil ayaw nito ng long distance relationship. Dahil sa bundok ata ang nilipatan nina Dancer, walang signal ang smart, hindi rin uso ang internet kaya hindi sila makakapag-chat kahit gusto nila. Gustong ihampas ni Bida ang ulo niya sa pader, sa pangatlong pagkakataon nabigo na naman siya sa pag-ibig. At ang pinapangarap na Anniversary celebration ay hindi matupad-tupad.

Finally, nawalan din ng pag-asa si Bida sa mga lalake. Umisip na siya ng bagong career, nagsipag na lang siya sa pag-aaral, tinigil na ang paghahanap ng boyfriend at ang ambisyong magkaroon ng mala-fairytale na Anniversary celebration. Lumipas ang maraming pangyayari sa buhay eskwela ni Bida, nagsulat, nagbasa, nag-recite, nag-exam at nangopya. Naging maligaya siya sa pag-aaral, sa katunayan isa siya sa napiling tumakbo bilang Presidente ng School Student Government Council. Gusto ni Bida manalo kaya nagsikap siya gumawa ng paraan. Sa tulong ng kanyang Campaign Manager marami siyang nakuhang strategy. Araw-araw iniikot niya ang buong campus, nangangako siya ng maraming bagay, nilalatag niya ang kanyang plataporma. Naging friendly siya, kinakamayan niya lahat ng mga estudyante (pagkatapos ay lihim na gagamit ng sanitizer para maka-iwas sa A(H1N1).), namimigay siya ng mga candy, tumutula, sumasayaw, kumakanta, tuma-tumbling, at bumibili ng boto. Parang carnaval ang school nila sa tuwing nangangampanya siya. Ang lahat ng pagod, sipag at tiyaga (Manny Villar), puhanan, pawis at pera ay hindi nauwi sa wala. Araw ng announcement ng mga nanalong kandidato, nagtagumpay si Bida sa pagkamit ng kanyang minimithi.

Siya ang naging kauna-unahang babaeng presidente ng Student Council sa School nila. Labis ang kanyang kagalakan, kaya naman sa unang araw pa lamang ng pag-upo niya sa pwesto bilang presidente ay pinatupad niya agad ang kanyang kauna-unahang batas, ang Republic Act 013. Ang batas na ito ay nagsasaad na ang mga lovers, mag boyfriend/girlfriend sa school nila ay dapat mag celebrate ng Anniversary in advance. Hindi na dapat pang hintayin ng mga lovers ang isang taon bago magdiwang, sa halip ay buwan-buwan ng gaganapin ang nasabing okasyon at ito ay tatawaging “Monthsary”. Ipagdiriwang ang “Monthsary” sa number ng month kung kailan sinagot ng babae ang lalake (or vice versa), kung kailan sinagot ni lalake si babae (e.g. November 2 mo siya sinagot, therefore December 2 ang monthsary niyo). Pinatupad ito upang sa ganon maranasan nila mag date once in a month at hindi na maghintay pa ng break-up bago ang anniversary.

Pinatupad nga ni Bida ang batas na ito, at mabilis na nagpalipat-lipat sa iba’t-ibang school. Naging sikat ang batas na ito lalo na sa mga kabataan. Mas sikat na ang monthsary kaysa sa birthday.

Ang batas na inambag ng ating Bida ay malaki ang naging impluwensiya sa buong bansa. Malaki ang naitulong nito sa aspetong pang-ekonomiya at pang-kaalaman. Malaki ang naitulong ng “monthsary” sa mga estudyante dahil napag-alaman nila na pwede ng i-celebrate ang anniversary kada buwan. Nakatulong ito sa mga gawain ng mga teachers dahil konti na lang ang sasawayin nila sa klase, dahil madalas nagka-cutting classes ang mga estudyante tuwing “monthsary”. Tumaas din ang sales ng mga malls, lalong lalo na ng mga arcades, sinehan at fast food chains ng dahil sa “monthsary”. At ang word na “monthsary” ay kasama na din sa mga Spelling Bee Contest. Nakatulong din ang “monthsary” sa pagdami ng populasyon, pag-aasawa ng maaga, at mga kabataang di-nagsisipagtapos.

Tunay nga ang kadakilaan at katalinuhan ng Bida nating naka-imbento ng “monthsary”, dahil dito karapat-dapat siyang magkamit ng Nobel Prize Award, barilin at pagawan ng rebulto sa Luneta Park. At yan ang “Alamat ng Monthsary”

-END-

One thought on “The Saga of Monthsary *BOW*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s