All that is too much is not Good.

Naniniwala ka ba na ang lahat ng bagay kapag sobra ay nakakasama?–Marahil Oo.

Eh! naniniwala ka ba na hindi lahat ng negative ay masama?,at hindi lahat ng positive ay maabuti?–Parang alangan.

Minsan ba kino-compare mo ang sarili mo sa isang kaibigan o sa ibang tao? Pagkatapos mong gawin ‘yon, ano ang nakukuha mo? Ano ang nare-realize mo? Nakakakuha ka ba ng mga technics kung paano mas magiging maayos ang buhay mo?

Naka-encounter ka na ba ng emosyon na ‘di mo maipaliwanag kung bakit mo nararamdaman? Naka-encounter ka na rin ba ng mga taong ‘di mo rin maipaliwanag kung bakit ganoon siya?

“Pag-usapan naman natin ang mga Birds and Trees”–‘yan ang sinasabi ko ‘pag bored na ko sa kausap ko. Pero parang gusto ko naman pag-usapan ‘yung iba’t-ibang emosyon at ugali ng tao, na ‘pag nasobrahan eh! pwede magdulot either positive or negative. Sige, sama na rin natin ang neutral kung meron ngang Neutral Result sa mga pangyayari. Paano nga pala tayo mag-uusap?, Nagbabasa ka lang at ‘di ko maririnig ang mga sagot mo sa mga tanong ko.

Lagi nating naririnig na–“Pag sobra na ang isang bagay ay masama na ito.” Kapag sobrang busog ka sumasakit ang tiyan mo at ‘di ka maka-kilos ng maayos. Ganon din, ‘pag sobrang gutom ka na sumasakit din ang tiyan mo at ‘di ka rin maka-kilos ng maayos. Walang pagpipilian sa dalawang ‘to. Parehas silang negative.

Ang gusto ko talagang pag-usapan sa “sobra thing” na ito ay ang sobrang pagmamahal ng tao. Kung sinagot mo kanina na–“Oo, nakakasama ang sobra. . .”

Check this cases:

Pelikula: Isang lalake ang nang-holdap sa bangko. Nang tanungin kung bakit niya ito ginawa, sinabi niyang may sakit ang anak niya at kaylangan nitong magpa-gamot sa ibang bansa. ‘Pag magaling na ito pwede na siyang magpakulong. Sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya, gumawa na siya ng masama.

Advertisement: (Death Insurance) “If you loved them, be prepared!”. Ayos! parang kinonsensya ka pa na ‘pag hindi mo kinuhanan ng death insurance ang mga mahal mo sa buhay, ibig sabihin hindi mo sila mahal.

News: Sinaksak ng Boyfriend ang kanyang Girlfriend hanggang sa mamatay ito. Nang imbestigahan ang dahilan–“Selos”, sobrang pagmamahal. Ayaw mapunta sa iba kaya pinadala na lang sa heaven. Kunng doon nga makakarating.

Biruin mo, pati pagmamahal na pinaka-positive na atang magagawa ng tao sa kapwa niya ay nagiging negative ang resulta kapag naging sobra. Pwede rin namang sabihin na hindi pagmamahal ang tawag sa mga maling bagay ba ginawa mo. Dinahilan mo lang na sobrang mahal mo siya pero ang totoo naging sakim ka.

Check this cases (again):

Pelikula: Mahal na mahal ng babae ang asawa niya. Kahit siya ang nagta-trabaho at nangangaliwa pa ang mister niya, ‘di niya ito kayang iwan.

Advertisement: (Fabric Conditioner) “It helps repel mosquitoes on clothes. . .” Hindi mo sure kung totoo pero dahil mahal mo ang mga anak mo, ayaw mo silang madapuan ng lamok. Kaya naging mabenta ‘yung product.

News: Battered wife na rescue. 3 yrs. na siya ginagawang punching bag ng asawa niya. Nang tanungin kung bakit ‘di siya umaalis sa poder ng asawa niya ay dahil mahal daw niya ito.

O kaya nag-e-enjoy lang siya sa pambubugbog ng asawa niya (mala nathan levels ng walang hanggan ito), at gusto pa niyang dagdagan ng another 3 yrs. ang maganda nilang pagsasama.

‘Pag nakakapanood ka ng ganitong balita, sinasabihan mo bang “tanga” ‘yung babae dahil pumayag siyang bugbugin ng asawa niya? At dinadagdagan mo pa ng “Kung ako yan, nilayasan ko na yan!”, “Ang dami-daming lalake sa mundo eh!” o vice versa, “Ang dami-daming babae sa mundo.”

Bakit nga ba nagiging tanga, hindi lang ‘yung mga nasa ganong sitwasyon, kundi ang marami sa atin pagdating sa love? Uyyy. . .senti ang topic.

          “Love is not blind. It sees. . .but it doesn’t mind”–Mc Paul

Tanga. Negative. Kapag sinabihan ka ng ganyang salita talaga namang masakit at nakaka-insulto. Aawayin mo pa ang taong magsasabi sayo niyan, at gagantihan siya ng “Tanga ka rin!”. Pero balewala ang salitang ‘yan kapag sa taong inlove mo sinabi. Hindi gagana ang power ng salitang “tanga”. Hindi niya ite-take na insulto o masama ang salitang ito, kaya pwede mo sabihin sa kanya unlimited.

Kapag may bagay kang ginawa na hindi naintindihan ng ibang tao sasabihan ka nilang “tanga”. At maiinis sila sayo dahil ‘di ka sumasabay sa agos, sumasalungat ka sa ihip ng hangin, lumalangoy ka sa lupa, umiinom ka ng tubig sa tasa at ayaw mong matulog ‘pag gabi. May bagay na kahit ikaw ‘di mo maintindihan kung bakit mo ginagawa, nagawa, o gagawin pa lang. Partikular pagdating sa pag-ibig.

Sabi ng isang kaibigan–“Corny at Weird ang Pag-ibig, kaya ok lang kung nakakagawa ka ng mga corny at weird na bagay para dito.”

Elementary Student (may crush): Para malaman kung compatible sila “FLAMES” ang solusyon.

High School Student (may crush): Nakitang naglalakad pauwi ang crush niya. Para lang magpapansin, maglalakad na rin siya pauwi kahit malayo ang bahay niya sa school.

College Student (may crush): Nandyan ang crush. Deadma. Wala lang. Ma-pride, ayaw ipahalata na may feelings.

Anu-anong corny at weird things na ang nagawa mo para sa taong gusto mo? Kung ‘di ka pa na-i-inlove hindi ka makaka-relate dito.

Nagiging baliw ang tao kapag inlove, literal na baliw. halimbawa. Naka-kwentuhan ko ‘yung kapatid ng friend ko. Pinakita niya sa ‘kin ang picture nito before ito uminom ng asido dahil hiniwalayan ng jowa. Nakakapanghinayang! sa picture pwede siyang model ng sabon at pwede pang magkaroon kahit 10 pang boyfriend. Pero sa ospital, ang nakahiga na ay babaeng mukhang zombie na kalaban ng mga plants. Naka-dikit na ang balat sa buto, after a week namatay si babae. Pulis ang kapatid ni babae, siguro dahil sa pagmamahal niya sa kapatid kaya nasabi niya sa ‘kin na babarilin daw niya ang ex-bf ni girl ‘pag nakita niya ito.

Suicide ang pinaka-gothic na magagawa ng tao dahil sa love o ‘pag broken hearted siya.

 

Kapag childish naman ganito ang kadalasang sitwasyon:

1. Sinusulat mo ang pangalan mo at ang pangalan niya. Tapos bubuo ka ng bagong pangalan mula sa mga letters ng mga pangalan niyo, isang pang-boy at isang pang-girl. Kung ano ang nabuo ‘yon ang ipapangalan mo sa magiging anak niyo ‘pag kayo ang nagkatuluyan.

2. Kapag nag-text siya kahit antok ka na re-replayan mo pa. ‘Pag wala ka namang load at gabi na, maiinis ka at badtrip kang matutulog. Kinabukasan maaga kang magpapa-load, ite-text mo siya na humihingi ka ng sorry dahil ‘di mo siya nareplayan ‘nung gabing nag-text siya kahit sa totoo quotes lang naman ang tinext niya.

3. Walang pabor na hindi mo siya pinagbigyan kahit mapuyat ka pa sa pinapagawa niya. Basta hiniling niya kahit ‘di mo gawain, pipilitin mong gawin.

4. Kapag may sinabi siya seseryosohin mo kahit joke lang niya.

5. Kapag nag-joke naman siya, tatawanan mo kahit corny dahil ayaw mong mapahiya siya sayo.

6. Kapag nag-text siya ng “Goodnight”, mag-gu-goodnight ka rin at sasabihin mong huwag na siyang mag-reply pero makulit siya kaya mag-re-reply din, at mag-re-reply ka ulit sa kanya. Hanggang sa umabot ng 1 oras ang pagsasabihan niyo ng–“Goodnight, matulog na kayo UYYY!”

7. Hanggat maaari may picture ka niya. Either hingin mo sa kaibigan niya o nanakawin mo.

8. Kung classmate o schoolmate mo siya, inspirado kang pumasok. (seryoso, isa itong great source ng motivation)

9. Gusto mong malaman ang mga info. sa slum notes niya. Favorite food, color, song, movie etc. pati favorite underwear, mga ganon🙂

10.Kumpleto ang araw mo kapag nakita mo siya.  (bungi ka naman o hindi) Hindi ka makatiis na ‘di ngumiti ‘pag napadaan siya.

Iba’t-iba ang style ng tao kapag nagmamahal. May taong ‘pag inlove nagiging possessive. Inaaway lahat ng mali-link sa mahal niya, kahit kaibigan lang nito o alagang aso.

May taong ‘pag gusto na siya ng crush niya, siya naman mawawalan ng paghanga rito. Gusto niya kasi my thrill, ‘yung siya lang ang kikiligin.

Meron namang masyadong pini-please ang taong gusto niya dahil gusto niyang humanga rin ito sa kanya. Kaso ang problema, nawawala na ang tunay na “ikaw” kung lagi kang gagawa ng mga bagay para sa iba.

Merong pinipilit maging perfect kahit ‘di na kaya dahil ayaw niya ma-turn off sa kanya ang taong gusto niya.

Meron namang obsessed. Crush niya ang bukam-bibig at laging topic sa kwentuhan. Hindi niya nahahalata na nagsasawa na ang mga friends niya dahil pauilit-ulit lang naman ang mga kwento niya. Ang isa sa produkto ng obsession na may quality ay ang–“Stalking”. Madalas ang mga artista at mukhang artista ang may stalker. Kung pangit ka at sinabi mo sa mga friends mo na may sumusunod sayo, sasabihin nila na holdapper lang ito.

Signs na isa ka ng stalker:

1. Gusto mo siya parating kasama. Kung ‘di kayo close susundan mo na lang siya kahit saan siya magpunta.

2. Pinupuno mo ng mga pictures niya ang kwarto mo, maging ang mga gamit mo may larawan niya.

3. Alam mo kung saan siya nakatira, nag-aaral o nagta-trabaho, natambay, nanonood ng sine, bumibili ng shampoo, at pumupunta tuwing alas 12 ng gabi.

4. Kilala mo ang family members, mga friends, professor pati alaga niyang aso,pusa,daga,bird alam at kilala mo.

5. Alam mo rin ang phone number niya, BBM, FB,twitter,wordpress,blogspot, Friendster account niya. pati suking tindahan niya alm mo din.

6. Kinokolekta mo lahat ng bagay na tinatapon niya, kahit tissue paper na pinang-punas niya sa pawis, pwet etc.

7. Lahat ng sasabihin niya o gusto niya gagawin mo kahit ‘di naman ikaw ang kausap niya.

8. Pagbabantaan mo ng masama at haharangin mo ang mga manliligaw o liligawan niya.

9. Papadalhan mo siya ng mga kung anu-anong regalo o bagay, pero ‘di mo ilalagay ang pangalan sa gift tag. I-indicate mo lang–“From your secret admirer”.

10.Patay na patay ka sa kanya, masyado kang affected kapag malungkot siya. Pero wala siyang paki sayo kasi ‘di ka naman niya kilala. ni’di nga niya alam na nag-e’exists  ka e. ( HAHAHAHAHA)

*hindi ako stalker ha! wala nga akong alam dun e, stalker? ano yun?!* LMAO

Meron ding “Silent Killer”. ‘Di mo malalaman kung sino o ano ang gusto niya. Siya lang ang nakaka-alam at ‘di mahahalata kahit ng mga kaibigan niya na may gusto pala siya sa isang tao. Iba ang torpe sa silent killer. Ang torpe nagpaparamdam siya na may gusto siya pero ‘di niya lang ma-voice out kaya alam mo pa rin na may feelings. Hindi tulad ng silent killer na wala kang makikitang signs na inlove siya. Iisipin mo medyo tamad ang silent killer dahil wala siyang effort pero ‘di totoo ‘yon. Dahil siya ang pinaka-emo sa lahat, siya ‘yung mahilig mag-isip, mag-imagine at mangarap na sana kasama niya ‘yung taong gusto niya. Dinadaan sa pag-dedicate ng song, pagtugtog ng instrument, pagsusulat at pag-gawa ng tula ang nararamdaman. Siya ang pinaka-talented sa lahat ng na-i-inlove. Although lahat naman tayo ay nagiging talented kapag gusto nating magpasikat sa iba.

Pinipilit ng tao maging perpekto para sa taong mahal niya kahit maiwanan na niya ang sarili, nagsasakripisyo ng wala sa lugar. Minsan sinasabi ng iba na “bobo” ang mga taong ganito ang ginagawa, pero deep inside may ginawa silang mas matindi pa dito. Kung ‘di pa nangyari sa kanila, malakas ang loob nilang manghusga dahil ‘di pa rin nila nararanasan ang masaktan ng sobra. ‘Di nila nararamdaman ang naramdan ng mga taong gumawa ng masama para lang sa pag-ibig na ina-alagaan nila. Hindi ko sinasabing tama ang gumawa ng kamalian, kabaliwan, at kasamaan para sa taong mahal mo, pero kung nakagawa na nga ng ganon, hindi rin panghuhusga ang tamang gamot. ‘Yan ang neutral na sagot.

Panghuhusga, parang pangalawa na sa kamatayan. Lahat tayo ayaw mahusgahan, natatakot tayo makarinig nito. Mas takot na nga tayo dito kaysa sa multo.

Tayo ay humuhusga base sa nakikita natin, pero mas sumama ang tao kaya kahit narinig lang nila mula sa iba’t di naman talaga nakita ay gumagawa na agad ng konklusyon. Iniisip rin ng taong humuhusga na mas malinis siya kaysa sa taong hinihusgahan niya. Meron namang humuhusga dahil naiinggit siya, Kapag naiinggit ka wala kang makikitang maganda, kahit anong ayos o ganda ng kapwa mo ay may mapipintas ka pa rin sa kanya.

Malaki ang nagiging epekto sa personalidad ng isang taong hinuhusgahan o pinipintasan. Bababa ang kanyang self-confidence at magiging negative ang kanyang pananaw, pero kung war freak ka, ‘di ka papatalo. Magiging mapanghusga ka rin at gagantihan ang mga taong nanghuhusga sayo. Diyan magsisimula ang pagkokompara niyo sa isa’t-isa, kung sino ang mas magaling, maganda, mayaman, mabait, may pinag-aralan, maraming friends, at ma-impluwensiya. Simula na rin na “tsismis”–magsisiraan kayo para sumama ang tingin ng iba sa iyong kapwa. Maghihilaan kayo pababa na sa huli ay wala rin namang mananalo, dahil ‘pag namatay tayo mababaon lahat ng katangiang tinataglay natin.

Bakit kaya may taong nag-a-aksaya ng oras, pagod, at laway para makapanira o manghusga ng kapwa? Wala namang sahod na natatanggap mula sa gobyerno, at kung may sahod nga ‘to, marami ang may trabaho sa ganitong career. Yayaman ang tao, uunlad ang ekonomiya, wala ng magugutom. Ano kayang klase ng kasiyahan ang naidudulot nito? Iba kaya ang kasiyahang dulot nito kaysa sa pag-da-drugs? Nagiging high din ba ang mga tsismoso’t tsismosa?

“Every Person is Unique”–sa Geometry ko ‘yan natutunan. Kaya ‘pag trip mong i-compare ang sarili mo sa iyong kapwa, makikita mo na mas marami ang pagkakaiba niyo kaysa sa pagkakatulad. May taong minsan hindi mo maintindihan kung bakit siya ganon kumilos, magsalita, at mag-isip. Ngunit huwag mag-alala, ganon din naman siya. Iniisip niya rin kung bakit iba ang ugali mo sa kanya, kaya kwits lang.

Naka-encounter ka na ba ng taong may dalang Typhoon signal no. 3? Siya ‘yung sa sobrang yabang eh! na-i-report na sa T.V. at radyo na may darating na Tsunami. Hindi ka makasingit kapag kausap mo siya, period lang sa bawat pangungusap niya ang pahinga, at ang laging bida. . .sino pa? eh! di siya. Mataas ang self-confidence ng ganitong tao. Sobrang taas! Nasa isip niya na mas magaling at mas matalino siya kaysa sa kausap niya. Hindi siya tatanggap ng pagkakamali kaya laking dagok sa kanya kapag kinontra mo ang mga sinasabi niya. Lagi rin siyang may baong pang-depensa kung sakaling kontrahin mo nga siya. Siya ang taong hanggang words lang ang talent, ‘pag actual performance laging tahimik.

May iba naman na sobrang proud sa na-achieve, profession, o experienced niya. Habang kinu-kwento niya ito’y may kasamang action na parang nangangarate. Ang pinagkakamali lang niya na porket siya ang may pinag-aralan, maganda ang trabaho, at propesyon ay mas mataas ang level niya’t dapat siyang tingalain. ‘Di siya ‘yung tipong hihingi ng paumanhin ‘pag naka-sakit o nagkamali siya sa kanyang kapwa. Panghahawakan niya kasi ang mga bagay na kahanga-hanga para sa kanya.

Meron namang “Humble na Pasikat”. Siya ‘yung kwento ng kwento tungkol sa sarili niya, ‘pag hinangaan mo ang sinasabi niya at napa “WOW” ka, sasagutin naman niya ng–“Di naman masyado”.

Natural lang at dapat talagang may yabang tayo. kaylangan natin ito ‘pag mag-re-recite sa klase, mag-a-apply ng trabaho, sasagot sa interview, mag-a-artista, at ‘pag manliligaw. Pero malaki ang pinagkaiba ng “May yabang” sa “Mayabang”.

Mood naman ng tao ang paiba-iba (alam ko may pagka’ganyan kadin. wag magpanggap! lol), naka-depende ito sa mga nangyayari. Ang mga sitwasyon sa buhay ang magdidikta kung kailan ka galit, masaya, malungkot, at badtrip. Normal ito, ang abnormal lang ay ‘yung mga taong “moody”. May skedyul at may organisadong oras ang mood niya–6 am to 8 am masaya, 8 am to 10 am galit, 10 am to 12 pm malungkot, and so on and so forth. . .

Meron namang “stick to one”, lagi lang siya galit. Pangit o maganda man ang mga pangyayari. . .isa lang ang alam niya–ang magalit. Galit siya sa mundo, sa tao, at sa maingay. Galit siya sa lahat. Pili lang ang mga kaibigan niya, mga trip niyang kausapin, at pakitaan ng medyo maayos na mood. Ang taong ito ang nahihirapang magka-boyfriend/girlfriend.

Mayroong taong ‘pag badtrip siya sa isa badtrip na rin siya sa lahat. Kahit walang kasalanan sa kanya ay idinadamay niya sa inis niya. Ito ang mga taong madalas maka-sakit ng kapwa at kadalasang nakikita ang mood na ito sa mga nanay na may tatlong anak pataas.

May tao namang nasobrahan sa panonood ng telenovela, laging malungkot at problemado. Hindi tulad ng taong galit, alam mong galit siya pero ang taong malungkot ‘di mo alam kung ano ang problema niya. Basta mapapansin mong umiiwas siya sa mga kakilala at mga kaibigan niya. Magmumukha, kikilos, at aarte siya na halatang may problema. Kung concern ka mapapahiya ka lang dahil kapag tinanong mo siya kung ano ang problema, sasagutin ka lang niya ng–“Wala”. Feeling niya nag-iisa lang siya sa mundo, na walang nakaka-intindi o makakatulong sa kanya, kaya nilalayo niya ang sarili sa kabihasnan. Naiinggit siya sa mga masasayang tao, nagtatampo siya sa mga kaibigan niyang hindi siya inaamo. Kapag inamo mo naman mang-iisnab lang, ‘di niya rin tatanggapin ang tulong na ino-offer mo. Wala kang magagawa para sa ganitong tao kundi ang intindihin siya. Kaya ang gamot. . .huwag mo siyang intindihin talaga, hehehe. . .Ipagpatuloy mo ang normal mong buhay at huwag ka magpakita ng concern sa kanya sa pamamagitan ng ‘di pagtatanong sa kanya ng kung anu-ano. makikita mo na siya na ang kusang lalapit sa’yo ‘pag naramdaman na niyang walang umiintindi sa kanya. (KSP kumbaga)

May ugali na hindi basta mood ang tawag. May taong flexible. Siya ‘yung taong ‘pag kaharap mo maganda ang usapan niyo, pero ‘pag nakatalikod ka na kung anu-ano pala ang sinasabi tungkol sayo. Tawag sa kanya ng marami ay plastic, pero mas bagay siya tawaging bakal dahil ang tigas ng sikmura niyang siraan ang kanyang kapwa kahit alam niyang magkakaroon siya ng kaaway. Nakakatakot ang ganitong tao, ‘di mo alam na patay ka na sa paningin ng iba dahil sa kagagawan niya.

Kapag makapal ang mukha mo maraming naiinis sayo. ‘Pag sobrang mahiyain ka naman marami ding naiinis sayo–feeling nila maarte ka. Maganda kapag “may hiya” ang tao dahil naiisip niya ang moralidad, ngunit ‘di maganda ang sobrang mahiyain. May mga bagay na ‘di mo na magagawa, kahit ang pag-abot ng pamasahe mo sa jeep ay nahihiya ka kaya pipiliin mo na lang mag 1-2-3. Maraming pagkakataon ang masasayang, ma-mi-miss mo ang mga dapat nangyari kung natakot kang harapin ito.

“Reverse Psychology”–taong ‘pag sinabi mong huwag gawin ito ay ‘yon ang gagawin niya, at ‘pag sinabi mong gawin niya ito ay ‘di naman gagawin. Kapag seryoso ang pagkakasabi niya, ‘yon ay joke lang niya. Totoo naman ang lahat ng mga biro niya. May thrill sa kanya ang pagsalungat sa mga bagay-bagay. Iba ang sinasabi ng bibig sa nilalaman ng utak at puso.

Kung may kape, mayroon ding gatas.

Mayroon din taong disiplinado’t tunay na may pinag-aralan. ‘Di kaylangang nag-aral sa magandang paaralan at nagtapos ng magandang kurso. Siya rin ang tunay na flexible.

Siya ang taong mayabang man ang kausap ‘di niya ito papatulan at papakinggan lang ang mga kwento nito.

Galit man ang kaharap nakukuha pa rin niyang magbiro kahit ‘di maging mabenta ang joke niya.

Kahit malungkot siya kaya pa rin niyang ngumiti at magpasaya ng iba.

Kaya niya magpatawad kahit siniraan na siya. Hindi siya gaganti katulad ng ginawang mali sa kanya ng kapwa niya.

May makita man siyang ‘di maganda sa iba, ‘di niya ito huhusgahan bagkus ay papayuhan pa.

Hindi ko nga lang alam kung naipanganak na ang taong ito, nyahaha. . .!

‘Di naman lahat ng ito ay dapat nasa iyo, kahit isa lang ay magiging malaking baagay na iyon. Mababalanse ang masama dahil matatakpan ng kabutihan mo.

Kung may taong komo-kompleto ng araw mo, mayroon ding sumisira nito. ‘Di mo maintindihan ang sarili mo na sa tuwing nakikita mo siya’y lagi kang naiinis kahit wala naman siyang kasalanan sayo. Mabigat ang loob mo sa kanya pero sumasagi rin sa isip mo na gusto mo siya maging kaibigan.

May taong kahit non-sense ang sinasabi nagiging mabenta ito. Depende kasi ito sa tono, kahit walang kwenta ang joke mo kung magaling kang mag deliver matutuwa pa rin sila sayo.

May taong seryoso ang sinasabi pero parang walang nakakaintindi sa kanya. Sawa na kasi ang tao sa problema, kung lagi mo na lang siya ku-kwentuhan ng mga problema magsasawa na siya. Gusto ng tao sumaya kahit sa kwentuhan lang.

May oras para mag-seryoso at may oras para sa pagbibiro. Dapat alam mo lang kung kailan ang tamang oras para gawin ‘yon, nang sa ganon ‘di ka ma out-of-place. Kung alam mo ang sitwasyon, alam mo rin ang tamang approach.

Ano ang basehan mo sa tuwing sinasabi mong–“Ang sama ng ugali niya”. Ano ang ideya mo ng pagiging masama? Masama ba siya dahil iba ang ugali niya sayo? Masama ba siya dahil ‘di niya masabayan ang mga trip mo? o Masama ba siya dahil ‘di mo siya gusto?

Kung piliin mo ang sa tingin mo ay tama ngunit mali para sa iba, masama ka na ba? Kung nag-desisyon ka ng para sa sarili mo at ‘di para sa iba, masama ka na ba? Kung kumaliwa ka sa isang kanto na ang bahay mo’y nasa kanang kanto, masama ka na ba?

          ‘Di masamang maligaw, ‘di masamang mag-desisyon at piliin ang gusto mo.Ang masama ay ‘yung hindi pagiging responsable sa mga pinili mong gawin.

          ‘Di masamang magkamali.Ang masama ay ‘yung nalaman mo na ngang nagkamali ka’y hinayaan mo pang ma-stock ka sa pagkakamali mo. Ni hindi ka man lang nag-effort kahit 1% para maitama iyon. ‘Pag nagkamali ka pwede ka pang magbago pero kung sinasadya mo ang magkamali ‘yon ay choice mo.

          ‘Di masamang mag-comment.Nagiging masama lang ito kung ang layunin mo ay para manghiya ng iba.

Paano mo sasabihin ang totoo kung alam mong makakasakit ito?

Ang magsabi nga ng totoo’y nakakasakit, ano pa kung kasinungalingan na?

Kung sasabihin mong ayaw mo sa ugali niya, sa kilos niya sa mukha niya. . .o may nagawa siyang ‘di-maganda sayo at gusto mo itong ipaalam sa kanya, dapat mong sabihin ng personal. Hindi sa layuning mag-sorry siya sayo kundi para maging maayos ang pagsasama niyo. Huwag mo siyang ipahiya sa iba. Ang pagku-kwento sa mga taong walang kinalaman ay ‘di makakatulong. Sisiraan mo lang siya at lalaki ang gulo. Kung hihingi ka ng payo sa iba para malutas ang problema, siguraduhin na walang dagdag-bawas sa mga pangyayaring naganap at mapagkakatiwalaan ang taong hinihingan mo nga advice. Dapat open minded at marunong mag analize ng sitwasyon, hindi ‘yung hyper na papayuhan ka na i-ambush ‘yung taong kinukwento mo.

Kung pipiliin mo maging mapanghusga, mapag-mataas, at sasadyain mong magkamali’t maging masama. Huwag kang magtaka kung biglang isang araw may gumanti sayo ng katulad ng gagawin mo. Huwag ka magtanong na sa kabila ng maayos mong buhay, magandang trabaho, at propesyon ay magkaroon ka ng problema na ‘di mo kayang lutasin at walang tutulong sa iyo.

Kung mangyari sayo ito huwag mong sisihin ang ibang tao o ang Diyos, dahil sa una pa lang na pinili mo na kung magiging sino ka ay pinili mo na rin ang magiging resulta.

Kung mangyari nga sayo ito at nanisi ka pa rin, bilib ako sayo dahil pinanindigan mo pa rin ang pinili mo kahit alam mo nang mali ito.

Huwag mong idahilan na mahirap ang magbago, na sa simula ng ipinanganak ka ay ganyan ka na at sanay ka na sa ginusto mo. Kung mahirap ang magbago sana ay nanatili kang sanggol. Bakit ka naging kinder, elementay, high school at college? Kung nasa bahay ka na nasusunog. ‘di ka ba lalabas?. . .dahil dito ka na lumaki at nasanay umuwi, kumain, matulog, at manood ng T.V.?

Nagagalit ka ‘pag ginawan ka ng masama pero kapag ikaw naman ang gumawa ng ‘di-maganda ay dine-depensahan mo ang iyong sarili.

Tandaan na madalas nangyayari ang mga kwento sa Fairy-Tales. May happy ending at laging talo ang villian.

P.S.

diko ini’expect na mahaba na pala yung post. ewan ko ba malamang dala lang ng panahon (malamig e) at boredom kaya andami kong nasabi :))   sana may napulot kayong lesson ( aba dapat lang, sa haba ng sinabi  ko wala kang natutunan? KBYE!) lol . pero srsly, ihope meron. tinadtad ko ng humor yung post para di nakakabagot🙂 MUAAAAAA

other blog🙂 visit visit din huh http://dreee01.tumblr.com/

*pagbigyan nyo nako sa pic!* HAHAHAHAHA

-END-

One thought on “All that is too much is not Good.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s