The reason behind the red sneakers :)

This slideshow requires JavaScript.

………………………

Una ko siyang nakita nung magkasakay kami sa jeep matapos ma’aberya sa unang jeep kong nasakyan. Imbyerna pa ako nun kasi late na ako sa exams tapos traffic pa. Siya ang kumuha ng bayad ko. First time ko talagang natulala. Yun pala yung feeling. Speechless tapos dinig mo talaga heartbeat mo. Tapos ang init ng kamay ko kung saan nagsagi ang aming mga palad. Para bang tumigil ang mundo. OA ko no? Pero yun talaga nangyari sakin. Buong biyahe panakaw-nakaw ako ng tingin. Sa isip ko, sayang pagkatapos ng biyaheng to di ko na siya makikita. Sa isip ko rin, background music yung kantang “Jeep” ni Yeng Constantino. Anong gulat ko na lang nung nalaman kong taga-school din pala siya. Ang saya ko nun. Pinangalanan ko siyang “red sneakers” kasi yun yung sapatos niya.

Pagkatapos ng jeep encounter, matagal ko nang di nakita si red sneakers. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa na baka hindi na kami magkita at baka may binisita lang siya sa campus at hindi dito nag-aaral. Isang sem na ang nakalipas. Laking gulat ko na lang na magkaklase pala kami sa isang subject. Nakita ko ang red sneakers niya at napatango talaga ako para tingnan kung siya nga. Siya talaga. Ayun ako. Tulala ulet. Ang lakas na naman nung heartbeat ko. Nadagdagan pa nung pinili niya at 2 kaibigan niya na tumabi sakin. Feeling ko talaga lalabas na yung heart ko sa sobrang lakas ng tibok nun. Three weeks after, nag assign si sir ng project at dahil seatmates kami, niyaya niya akong maging pair kasi nagpares na yung 2 friends niya. Bigla akong kinabahan kasi ayokong malaman niya na crush ko siya. Baka mabuking niya ako kapag magkagrupo kami. Wala naman akong kilala sa klase kaya di ako nakaiwas. Nag-exchange kami ng numbers. Di ko maalala kung ilang oras kong tinitigan ang cellphone ko habang tinatanong ang sarili ko kung itetext ko siya. Ang ending, di ko natext kasi masyado akong duwag. Two weeks ang inilaan namin para tapusin yung project. Ang awkward nung first few days kasi ang tahimik naming dalawa. Ako naman eh nahihiyang kausapin siya. Grabe ang lakas nung tama ko. After 4 days, napagod na siya siguro sa silence at siya na ang nag initiate nung conversations. Doon ko siya mas lubos na nakilala. Unti-unti na rin akong nag-open up sa kanya tungkol sa sarili ko. Dun ko nalaman andami pa la naming similarities. Bookworm, favorite band ang The Script, mahilig manood ng tv, at higit sa lahat pareho kami ng birthday. Sa mga puyatan namin sa gabi, mas lalo pa naging malalim ang pagkakaibigan namin. Ang gaan ko kasi raw kausap eh.

Pagkatapos nung project ay mas lalong naging close. Kung ano ano ang pinag-uusapan namin sa klaseng iyon. Dagdag pa nang nagsimula siyang itext ako. Mas lalong naging deep ang conversations namin. Hanggang sa naikwento niya sakin yung lovelife niya, yung niligawan niyang girl, at kung gaano siya nahihirapan dito. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang bigyan siya ng advice. Alam ko lang ang tagal nung iyak ko nung gabing yon. Hanggang sa klase, hingi siya nang hingi ng tulong sakin sa panliligaw. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako kasi masaya siya na nagkakamabutihan sila nung girl o maiinis sa sarili ko kasi hinahayaan kong makuha siya ng iba. Patapos na ang sem nang bigla niyang tinext ako para magkita kami. Dun niya sinabi sakin na binasted daw siya nung girl. Umiyak siya sa harap ko. Kung bakit daw kasi pinaasa siya. Hindi ako nakapagsalita at binigay ko nlg sa kanya yung panyo ko. Pinilit kong pasayahin siya sa mga sumunod na araw. Sinesendan ko araw-araw ng mga jokes para makatawa. Walang reply. Biglang natigil na rin ang kwentuhan sa klase. Wala na ring texts sa gabi. Two weeks na lang bago matapos ang sem ay inipon ko ang lahat ng lakas loob ko para gumawa ng letter. Doon ko binuhos ang lahat ng feelings ko. Nung gabing yun, tinext ko siya na magkita kami. Sabi ko may kailangan akong ibigay. Nagulat ako nung nagreply siya. Bukas hapon raw sa waiting shed.

Nagdecide ako na medyo maaga dumating sa waiting shed. Magpapalakas ako ng loob habang naghihintay sa kanya. Malapit na ako sa waiting shed nang makita ko andun na rin pala siya. Suot niya ulet yung paborito niyang red sneakers. Narinig ko ulet ang lakas nung heartbeat ko. Nanlamig. Kinabahan. Papalapit na ako nang makita kong may kasama pala siya. Yung girl na nililigawan niya. Nakasandal yung girl sa kanya. Napatigil ako sa lakad. Nagtago. Pinagmasdan ko silang masyang nakwekwentuhan hanggang sa namaalam yung girl. Oras na pala na magtagpo kami. Hindi ako lumabas. Pinagmasdan ko habang inaantay niya ang pagdating ko. Nagtext ulet siya. Asan na raw ako. Di pa rin ako lumabas hanggang sa nainip siya at umalis.

Nung gabing iyon nagtext siya. Ano daw nangyari ba’t di ako sumipot. Sabi ko nagka emergency. Sorry. Bibigay ko na lang sa class. Bumili ako ng friendship bracelets. Binigay ko sa kanya pagkatapos ng class. Sabi ko remembrance ko sa kanya kasi we’ve been really good friends. Pagkauwi ko, sinunog ko yung letter. Kasabay ng pagkasunog nun ang pagsabi ko sa sarili ko na kailangan ko na siyang bitawan.

Para kay Red Sneakers, alam kong masaya ka ngayon. Hindi mo man nalaman ang aking  feelings (shet. lakas maka’teenager! lol ), thank you pa rin kasi pinagkatiwalaan mo akong maging kaibigan. Kahit dun na lang, kuntento na ako.

 

Kwentong sparks nga, napundi naman.

Eto pala ang ating  favorite song . Naalala ko lang.🙂

http://www.youtube.com/watch?v=gS9o1FAszdk

– dree🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s