I call it “GangHit style”

the reality.

Hi fellow LRT/MRT commuters!

May biktima ng isang mandurukot kagabi. Ang bagong style nila, hahawak sila sa hand rails tapos itatapat nila sa muka mo yung kilikili nila. E yung kilikili nila pinag halong amoy ng anghit, paa, at libag sa pusod!

Ang spicy ng amoy! Kung mahina ang tiyan nyo, baka mag’faint kayo. So pag may ganun sa muka mo syempre mag l’look away ka. While you’re looking away, sabay yung isang kamay nila dumudukot na pala sa bag mo.

Thankfully yung bag ko puro pande’coco laman. Hindi ko na rin kinain kasi baka na hawakan nya. Wala syang na kuha sakin. Na ramdaman ko din na may gumagalaw sa bag ko. So umikot ako. Umusog din sya para naka harap ulit yung kilikili nyang balbon. Ang next naman na target nya yung 20 pesos na naka silip sa bulsa ko. Walang patawad.

Eh na’ramdaman ko ulit. So nag salita nako. Sabi ko lang “aba aba” so alam na nya. Nag madali sya bumaba sa station. This whole thing happened from central station to carriedo. Mabilis sila. They do this pag rush hour at masikip ang tren.

So fellow LRT/MRT commuters, next time na may kilikili sa muka nyo, wag kayo ma tuwa. Baka man durukot na yun. Naka sando sila. Pero wag OA. baka naman may putok lang yung tao binugbog nyo na. Feel free to share to warn your friends!

SOURCE: facebook