SUICIDE ( seeing the other side)

Sa tuwing may nababasa/naririnig akong comments about suicide gaya ng “may iba pang paraan”, “it’s selfish”, and others along those lines, parang gusto kong maki’pag suntukan bigla.

Una, nobody has the right to talk about something or someone in a degrading manner unless s/he knows ALL about the subject. Eh kaso, kung sino pa yung kulang ang kaalaman, yun pa ang maraming sinasabi.

Pangalawa (at patungkol na rin sa preceding paragraph), sana naiisip ng iba na yung mga nagsusuicide, hindi yan basta-basta lang nagigising isang araw with the thought na “ay bored ako, makapagsuicide nga”. Minsan nga kahit sa pagpili lang kung saan kakain ng tanghalian, matagal tayong nakakapagdesisyon, sa buhay pa kaya? Hindi yun isang beses pinagiisipan. Paulit-ulit. Araw-araw. Huwag sana natin bastusin ang alaala at talino ng tao by saying na “s/he could’ve done something else”. Sa tingin ba natin walang ginagawa ang mga katulad nya? Hindi ba natin naisip na maaring sa bawat gabi, pumapasok sa isip nila yung ideya ng pagpapakamatay pero umaasa na lang na baka bukas makikita na ang sagot? Hindi ba natin natanong kung ilang gabi o araw na sobrang pasakit ang pinagdadaanan bago nakakapagdesisyon na tama na, husto na, dapat nang matapos?

Oo, lahat tayo nahihirapan. Lahat tayo nakaranas na nung pakiramdam na parang pinagsakluban tayo ng langit at lupa. Pero hindi yun free ticket para magmayabang at matahin ang mga taong hindi nagawa ang nagawa natin. O sige kung masyado tayong proud, pagawa tayo ng medal.

Suicide should never be an option but the fact that it happens shows that others /do/ see it as the only way. Respeto na lang sana dun sa namayapa. Nawala na nga, mamatahin pa ng iba.😐

SOURCE : FACEBOOK 

Do you ever have those times you cry and you don’t know why?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s