TOOTTT NA TOOOTT. TOOTHSIEE :)

May BSCS akong super crush noon SO (Sophomore) palang ako at  JU (Junior) siya nun. itago na lang natin sa pangalang “Tootsie” si kuyang BSCS.

“Friend! top si tootsie sa CMSC57 namin! Nakapost sa ICS tingnan mo :D”

**text sakin nung kaklase kong Comsci din. At dahil saktong kakatapos lang nun ng klase ko, dali dali akong pumunta sa kabilang Bldg para tingnan at i-admire ang katalinuhan ni crush.

Pag tapat ko dun sa bulletin board, top nga si kuya, ang galing. HAHA!  Walang tao nun sa hallway, tumigin ako, left and right bago ko kinuha sa bag ko yung pula kong gel pen at nag’doodle ng heart sa pangalan ni kuya. Hindi lang basta isang heart, kundi all over at talaga namang nakapalibot sa pangalan nya yung mga hearts.

Engrossed na engrossed ako sa ginagawa ko at di ko napansin ang paligid dahil kailangang maisakatuparan ang misyon kong magdoodle.Tumingkayad pa ko dahil medyo mataas yung pagkakapost nung mga topnotchers. Nang biglang may 2 lalakeng lumabas galing sa CR.

Dahil kalapit lang talaga ng CR yung bulletin board, kitang kita agad ako. Natigil yung kamay ko mid-air at napatingin ako sa dalawang kuya.

Si tootsie yung isa at gusto kong himatayin. Napatingin sya sa bulletin board at sa gel pen kong red at sa bulletin board ulit. Huling huli na talaga ko sa akto, at na’freeze na ko sa ganung posisyon- nakatingkayad at nakataas yung kamay. In short, mukhang tanga.

Ki’nompose ko ang sarili ko at nagmadaling naglakad paalis na diretso lang ang tingin. Kasing-pula ng gelpen na hawak ko yung mukha ko habang pinapagalitan ko yung sarili ko dahil mukhang nakilala na ko ni kuya at baka nacreepy-han sya.

Kinabukasan, pasimple kong sinilip ulit yung topnotchers at nakakahiya talaga dahil sa dami ng hearts sa pangalan ni kuya. Under his name, somebody doodled,

“Thank you sa hearts. 7pm, Wednesday, lobby. See you :)”

tapos may pirma pa, kaya iguessed siya nga nagsulat nun at di naman ako na-t’troll.

Yun yung una naming date🙂

Kaso di kami tumagal. </3 haha

Image

like good old times.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s