Personality at first sight

Walang special mental ability at x-ray vision ang isang tao para tingnan kung gaano kabusilak at kalinis ang kalooban mo. At marahil, matagal ng phase-out ang love-at-first-sight kung wala talagang tumitingin sa panlabas na itsura. Sa dinami dami ng gwapo at magaganda sa mundo, hanggang kelan mo panghahawakan yung katiting na pag-asa na magugustuhan ka niya dahil lang sa mabait ka at memorize mo pa din ang quadratic formula?

Kahit noon pa man, masyadong visual ang mga tao. Makakalimutan nila ang pangalan mo pero hindi ang itsura mo. Kaya siguro pinapadrowing sa biktima ang itsura ng suspect para madaling makilala.

Kung may pakialam ka sa sinasabi ng iba, simulan mong ayusin ang sarili mo base sa pananamit at itsura mo. Wag mong idepende ang buong pagkatao mo sa ugali mo lang. Dapat balanse. Dahil dito tayo unang hinuhusgahan ng maraming tao. At kung sa tingin mo ay pangit ka, may mas ipapangit pa yan kung hahayaan mo na lang na ganyan ka. Aminin mo man o hindi, mas exciting buksan yung regalong may magandang wrapper kesa dun sa hindi.

Walang masama sa pagiging maporma o maayos. Pinapalakas mo lang ang loob mo sa paraang alam mo. Tipong, “Okay lang kahit single ako, lahat naman ng taken pinagpapantasyahan ako.” Hindi masamang magpaganda/ magpagwapo para sa ibang tao. Pero mas gawin mo yun para sa sarili mo. Dahil kapag nakita nila kung gaano mo iniingatan at pinapahalagahan ang sarili mo, mas lalo kang mamahalin ng mga taong nakapalibot sayo.

tumblr_lvidqiLraV1qhs68w

Source: tumblr

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s