TIMING UY!

Hindi yung bara bara mong gagawin at sasabihin na gusto mo siya. Hindi yung sasalakay ka agad para makuha ang puso niya. Kailangan natin ng timing, kailangan ng oras para mapa sa atin ang isang tao.

Kunwari, kaka break pa lang nila. Alangan naman sabihin mong liligawan mo agad siya hindi ba? Syempre tska mo palang sasabihin yun kapag naka move on na siya. Ayaw naman natin sigurong mahalin tayo dahil malungkot lang sila.

Kunwari ulit, kakakilala niyo palang sa isat-isa. Hindi naman sa unang araw palang eh sasabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya? Hindi lahat ng tao eh makukuha mo sa unang araw ng pagkakilala at mapapasagot mo rin sa araw na yon. Pag ginawa mo agad yan eh, ano yang puso mo nayan? Pang CLAN? Unang Hi at Hello agad eh may feelings na?

Kapag may gusto ang taong gusto mo sa iba, kailangan mo din ng timing. Ipakita mo lang na nandiyan ka palagi. Pag laanan mo ng oras, patunayan mo na mahalaga at importante siya sayo. Hindi mo pwedeng sabihin na gusto mo rin siya. Lalo lang siya maguguluhan, dalawa na kayong proproblemahin niya. Hindi bat maganda na ikaw muna ang pinagsasabihan ng problema niya? Tiis tiis lang. Darating rin ang panahon na makikita ka niya.

Kaya huwag mawawalan ng pag-asa. Minsan timing lang talaga, tamang tyempo. Lakasan lang rin ng loob minsan. Marunong ka namang makiramdam eh.

tumblr_m1nffp3ZEQ1qhs68w

SOURCE: Tumblr

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s