THE BOYS

ANG IBA’T IBANG KLASE NG MGA LALAKE,  Bow.

WOODEN RULER — Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, straight talaga sila. Tigasin. Yung tipong kahit lasing, tulog at ginapang mo eh bugbog-sarado ang aabutin mo. May iba sa kanila na homophobic pero yung iba naman ay okay lang makipagkulitan pero may hangganan.

PLASTIC RULER — straight pero ‘bendable’. Pumapatol lang dahil sa L, kalasingan, curiosity o pera. Kumbaga eh init lang ng katawan. Anila, iba ang puso at iba ang katawan. Pero at the end of the day, straight pa rin sila.

STEEL TAPE MEASURE — straight sa labas, liko sa loob. Sila yung mga Plastic Ruler na nung mabinyagan ay natuluyan. Habambuhay silang magtatago hanggang mapagtanto nila na iba na pala ang gusto nila.

T-SQUARE — sobrang tigasin pero sa totoo lang, liko naman talaga sila. Yung tipong childhood bestfriends kayo pero college mo lang nalaman na iba pala ang kulay ng dugo nya dahil hindi mo nahalata sa sobrang discreet nya. Mapapaisip ka tuloy dun sa mga tagpong sabay kayo naliligo at natutulog sa iisang kama.

MEDIDA — straight daw siya pero mas babae pa kumilos o magsalita kesa sa ate mo. Nabibilang dito yung kung manamit ay parang lalaki pero daig pa ang babae kung makatili. Yung tipong kahit anung tago eh maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanan. Siya na lang siguro ang hindi pa nakukumbinse na isa siyang paru-paro. .

LASO — sila yung mga kung tawagin ay X-Men. Lantad at maligayang maligaya sa piniling landas. Sila yung minsan ay kinaiinggitan dahil mas makinis at mas sexy pa sila sa tunay na babae. Yung tipong ‘pag pumila sya sa women’s lane sa airport eh papapasukin siya ng Guardenia ng walang kaabog-abog.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s