HAY BUHAY.

HUHUBELLS 😥

Minsan hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Kung kailan sobrang saya mo na ay dun pa mismo magbabago ang mga tagpo. May mga bagay na akala mo hindi mangyayari dahil sa sobrang saya na nararamdaman niyong dalawa, Pero may mga pagkakataon talaga na mapaglaro ang tadhana at wala kang magawa kundi tanggapin na lang ito.

Minsan, napapaisip ako na kung mahal mo talaga ang isang tao. Ano nga ba ang dapat gawin? Huwag idamay sa problema? O hayaan mong andyan siya para malaman niya na kailangan mo siya? Sa paraang ‘yon nakikita ng partner mo ang worth niya sa buhay mo.

Hindi sapat na dahilan ang iiwasan ang taong mahal dahil lang may problema. Cancer sa relasyon ‘yon. Kahit na sabihin nating may tiwala at kahit gaano pa kayaman ang pagiging maunawain niya. Mag-iisip at mag-iisip pa rin yan ng mga bagay dahil sa mga nangyayari na wala siyang kaalam alam.

-DREE

Advertisements