EXHAUSTED ANG KATAWANG LUPA KO

Minsan kapag ang bigat bigat ng nararamdaman ko, yung tipong overweight na sa timbangan, hindi ko talaga magawang lumapit sa mga taong “required” ko daw lapitan. Eh ang bigat na nga eh, makapaglakad pa kaya papunta sa kanila? Mas lalong ayoko ring makipag-usap. Siguro ay dahil ayokong isipin at problemahin pa kung maiintindihan ba talaga nila ako o sinasakyan lang nila ang pag-iinarte ko o kung magiging bias ba sila sa pagsasabi sakin ng kung anu-ano.

Mas gusto ko pang bumili ng palamig dun sa may gilid ng bakery at kausapin yung matandang babaeng nagtitinda. Hahaluin lang niya yung palamig niya habang nagsasalita ako. Makikinig lang yun habang inaasikaso yung mga costumer niya. Mas gusto ko pang kumausap ng harmless na lasing. Doon, hindi ko na kailangang magpaliwanag pa. Tatango lang yun sa lahat ng sinasabi ko. At kung huhusgahan man nila ako sa lahat ng pinagsasabi ko, ayos lang. Hindi ganung ka big deal. Hindi naman nila ako kilala. Ni hindi nga nila alam ang pangalan ko eh. Ang alam lang nila, may OA na nilalang na biglang lumapit sa kanila para magdrama at talunin si Kim Chui.

Bukas makakalimutan rin nila ako at ang lahat ng pinagsasabi ko, pati na din yung itsura ng mukha ko. Atleast, nailabas ko lahat ng nararamdaman ko. Yung sakit. Yung lungkot. Yung galit. Lahat ng ka-over-actingan ko sa buhay ko. Nahulasan na yung lasing, panibagong araw na naman para dun sa matandang babaeng nagtitinda ng palamig  Yung parang wala lang nangyare. Balik lang sa dati.

-DREE ♥

HAAY..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s