May mga pagkakataon na sobrang bigat na ng nararamdaman mo.

…………

Tipong parang may humaharang o bumabara sa ugat papuntang puso. Hindi maayos ang paghinga mo at para ka laging naghahabol palagi sa paghinga. Laging masikip ang dibdib mo sa hindi malaman na dahilan.
Tipong sa sobrang sama na ng loob mo e hindi mo na maipaliwanag kung gaano kabigat ang iyong nararamdaman. ‘Yung pakiramdam na parang black and white ang buhay.
Basta alam mong mabigat at walang sinuman ang makakapag pagaan nito kundi ang taong mahal mo.

May mga pagkakataon na gusto mong ilabas ang nararamdaman mo pero hindi mo alam kung paano ito sasabihin dahil walang eksaktong salita para dito. Basta ang alam mo ay nasasaktan ka lang at pakiramdam mong bigla ka na lang iniwanan ng panahon.

Minsan nawawala ‘yung lungkot kapag may mga tao sa harapan mo. Kaya ninanais mong umalis nang umalis hangga’t sa lumipas ‘yung araw.

Minsan naman nag-aaya kang umalis kahit wala naman kayong gagawin para lang masabi mong may kasama ka. Tapos matatapos ‘yung araw na malungkot ka pa rin kasi alam mong may kulang.At ‘yung kasagutan na tska ka lang mabubuo kapag natanggap mong hindi pala talaga siya parte ng buhay mo.

Siguro hindi ngayon, siguro sa mga susunod pang panahon. Oras lang ang makakapagsabi. Kaya wala kang magawa kundi patuloy na kutkutin ang sugat na nararamdaman mo araw-araw.

Hindi humihilom ang sugat, kasi palaging sariwa.

 

hashtag NapakaSakitKuyaEddie

-d♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s