Siguro nga…

Siguro hindi talaga pwedeng magtagpo ang dalawang taong sobrang mahal ang isa’t-isa.  Ewan, siguro may isang sobrang nagmamahal at ‘yung sobrang magmamahal na ‘yun ang magtuturo sa taong hindi ganoong magmamahal. Siguro pinaghiwalay ang dalawang taong sobrang mahal ang isa’t-isa para maranasan ng ibang tao kung ano ba talaga ang pakiramdam.

Minsan, nakakapagtakang kahit na ginawa mo na lahat ay wala pa ring epekto kapag nawala na talaga ang pagmamahal niya sa ‘yo. Naiwanan ka sa laban na kayong dalawa ang nag umpisa. Parang taya-tayaan na ikaw ang naghahabol tapos nung nahabol mo siya ay umayaw siya bigla dahil pagod na siya kakatakbo palayo sa iyo. Parang nakikipaglaro ka nang patintero at hinihintay mo siyang dumaan sa ‘yo pero mas pinili niyang manatili sa harapan mo at kahit kailan ay hindi sinubukang tumawid dahil sa takot na mataya at maabot mo.

Minsan masaya umibig, pero madalas talaga kapag ikaw na lang ang nagbibigay nang lahat ee nakakapagod at puro lungkot na lang ang naidudulot sa ‘yo nito to think na maraming bagay ang pwedeng magpasaya, pero dahil naka focus ka sa problemang ‘yun, hindi mo naiisip na may ibang bagay pa para sumaya.

Alam mong acceptance ang makakapagpatahimik sa nararamdaman mo. Pero once na tinanggap mo na kasi at wala ng lumalaban? Ano ‘yun? Ganun na lang? Sa dami nang pinagdaanan niyo pinili niyong tapusin na lang? Lahat na lang ba ng bagay na sobrang sakit ay kailangang tanggapin? Wala na bang karapatan ipaglaban ang mga bagay na ‘yon? Kawawa naman ang problema kung aabandonahin lang.

Ang nagiging irony kasi

” Sa isang kasalanan lang, kaya nitong burahin ang napakaraming magandang bagay na ginawa ng isang tao “

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s