GETCHING?

Honestly, hindi ko gets kung bakit niya talaga ako iniwan.

Kung anong meron yung bago niyang girlfriend na wala ako. Sabi naman niya sa’kin noon, sobrang mahal niya raw ‘ko at walang makakahigit sa’kin.

Kaya ngayon, sobrang insecure ako sa bago niya. Biruin mo nga naman, nahigitan ako nung babaeng yun, tapos sasabihin niyang walang makakahigit sa’kin? Patawa lang?

Di ko rin maintindihan yung sinabi niyang sobrang mahal niya raw ako pero mas pinili niya pa rin yung isang yun.

Siguro kasi…walang makakahigit din sa babaeng yun para sa kanya. HAHAHA! Gaguhan lang!? 😂

Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Minahal ko siya ng walang kapalit, naging loyal ako sa kanya, at halos humiwalay na ‘ko sa mga kaibigan at pamilya ko para lang sa kanya. Sabi pa nga ng iba ay bihira raw sa babae ang katulad kong magmahal.

Sa kanya na kasi umikot ang mundo ko.

Iba rin kasi ang sayang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, kaya mahirap siyang kalimutan. Yung ngiti niya, yung mainit na yakap na kahit nasa Alaska siguro kami o Canada ay hindi ako makakaramdam ng lamig.

At kapag hawak niya ang kamay ko? Pakiramdam ko ay hindi na siya mawawala 💔
Uhm,Mahal mo pa kaya ako?

 

Whatever .|.

 

Hay nako ha, mapapa’kanta kana nalang talaga ee. lols

 

Ginawa ko naman ang lahat Bakit bigla na lang naghanap?      (CLICK THE LINK)

 

-D❤️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s