PAANO LUTUIN ANG ADOBO NI AUDREY

Hashtag AudreyCooks ♥

 

Step 1. Ihanda ang mga sangkap at rekadong gagamitin. Alangan namang manok na minassacre lang di ba? Ihanda ang bawang, sibuyas, toyo, suka, brown sugar, at paminta. Masarap daw kapag may kasamang pagmamahal. Eh di try mong maghanap sa palengke ng sinasabi mong pagmamahal. Pakyawin mo para masarap na masarap.

Step 2. Simulan sa paggigisa ng bawang at sibuyas gaya ng pang’gigisang ginawa mo sa ex-jowa mo nung nambabae siya  at nalaman mong pinag palit ka sa babaeng isang dangkal lang yung dede kumpara sa’yo.

Step 3. Kapag medyo nagbbrown na ang bawang, ilagay ang chinop-chop na manok. Isuot ang shield at full-faced armor dahil maaari kang mapilantikan ng mantika. #BakaMasaktanKaNaNaman. Hindi ka pa rin ba nadadala?

Step 4. Lagyan ng toyo. Kung wala, magmadaling tawagin ang ex jowa mong makitid ang pang-unawa. May toyo din utak nun. Balatan mo ng buhay tapos patuyuin mo sa likod ng ref.

Step 5. Pakuluan ang manok hanggang lumambot. Kung alam lang sana ito ni Popoy, hindi sana naging ganung katigas si Basha. Tusuk-tuskin para malaman. Mahirap ng mag-assume, alam mo yan.

Step 6. Lagyan ng paminta. Kung wala, dakpin si Piolo. Itaktak ang braso nito. Kung hindi pa siya sapat, mamili sa mga sumusunod kung sino ang mas effective na sangkap (a) Enchong Dee (b) Chicsers (c) Eric Santos.

Step 7. Haluin ng mabuti at tikman. Kapag medyo maalat, lagyan ito ng konting suka. Tapos kapag umasim naman, lagyan ulit ito ng toyo. Tapos kapag umalat na naman, lagyan mo ulit ng suka. Lagay lang ng lagay. Makukuha mo din yung lasang gusto mo. try lang ng try. #ParangPagibig

Step 8. Lagyan ito ng konting konting asukal para maranasan mo naman yung konting sweetness na nung simula mo lang ata naramdaman sa piling ng ex-jowa mong nagpapakasweet na sa bago nya.

Step 9. Kapag hindi mo pa rin feel yung lasa, bahala ka na sa buhay mo maarte ka. Andami mong reklamo please. Yung iba nga walang makain eh. Ang mahalaga may chicken adobo ka. Hindi naman nila malalaman yung lasa kapag naiinstagram mo na.

 

Til our next cooking Sesh!

 

Nagmamahal,

-d♥

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s