SINGLE?? OO, SINGLE. AND I KNOW HOW IT FEELS

 

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, alam ko kung gaano kahirap ang mag-isa. Oo andyan yung pamilya mo, mga kaibigan mo, ang D’yos na kailanman hindi ka iniwan at pinaramdam na mag-isa ka lang. Pero bilang isang normal na taong kumakain ng bigas naghahanap rin tayo ng isang taong magmamahal at mag aaruga sa atin. Yung special na taong matatawag nating sa atin.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, nalulungkot ka tuwing nakakakita ka ng masasayang couple sa daan, sa park, sa klase, sa trabaho, sa jeep, sa bus, sa lrt, sa lahat. ‘Yung parang sinasadya ng panahon na ipaalala sa’yong mag-isa ka lang. Na walang nagmamahal sa’yo kung hindi yung sarili mo lang.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, iniwan ka, sinaktan ka, nabigo ka sa dating akala mo s’ya na pero hindi pala. Wrong sent lang pala si God dahil hindi yun yung taong magmamahal sa’yo habang buhay. Akala mo lang pala.

Alam ko yung nararamadaman mo ngayon, ang sakit kapag nakikita mo ulit ang taong minahal mo na may mahal na ngayong iba. Hindi mo maiwasang masaktan kapag nakikita mong masaya silang magkasama. Dating ikaw ngayon iba na. Uulitin ko ulit, na wrong sent lang si God sayo dati, Hindi talaga s’ya yung para sayo.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, walang I miss you/ I love you bago matulog at pagkagising mo sa umaga. Walang kain na o wag magpapagutom na text sa tanghali at gabi. Walang monthsary o anniversary. Walang chocolates o flowers. Walang hugs at kisses. Wala lahat.

Alam ko yung nararamadaman mo ngayon, puro selfie na lang at pagkain ang laman ng instagram mo. Alam kong pinangarap mo ring magtravel kasama ang mahal mo pero dahil single ka, pamilya mo na lang lagi ang kasama mo. Sa halip #relationshipgoals naging #familygoals.

Alam ko yung nararamdaman mo ngayon, Hindi mo maiwasang tanungin yung sarili mo kung bakit? Kung anong kulang sayo, kung anong problema sa katawan at mukha mo. Kung anong pangit sa ugali mo at kung bakit walang nag mamahal sa’yo.

Alam ko yung nararamdama mo ngayon, dahil nararamdaman ko din ito ngayon. Siguro nga hindi pa ito yung oras na makikilala nanatin yung taong matatawag nating sa atin, yung taong maiiharap na’tin sa altar balang araw. Pero sayo na umaasang may magmamahal na ulit o may magmamahal na, ‘wag kang susukong maghintay dahil baka ‘yung nakalaan sayo habang buhay, ngayon ay pinapanganak pa lang. Alam ko masaya maging single pero hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi sa lahat ng oras dahil kailangan rin natin ng taong makakasama natin habang buhay, yung taong ipagtatanggol ka, yung taong magaalaga sa’yo pag may sakit ka, yung taong kasabay mo mangarap para sa inyong dalawa, yung taong araw-araw magpapaalala sayo na mahal ka, na mahalaga ka.

-D♥
  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s