KASI GANUN, KASI GANYAN.

Bakit nga kaya dumadating tayo sa puntong kailangan nating iwan ang mga taong masyado tayong sinaktan? Bakit kaya hahantong sa kalimutan ang isang magandang pinagsamahan? Maraming tanong na bakit? Pero hindi masagot ng simpleng

“KASI GANUN, KASI GANYAN”

Ilang kaibigan na nga kaya ang nawala sa atin? Ilang kaibigan na nga kaya ang akala nila naalala mo pa sila pero hindi na pala? Gaano kahirap mang hula ng mga bagay tulad ng mahalaga ka pa ba sa kanila? Naalala ka pa ba nila? Kilala ka pa ba nila? O ikaw lang ang nag-iisip ng mga magugulong bagay kaya na prapraning ka sa kanila?

Bakit kailangan minsan humantong sa kalimutan? Hindi na ba kinaya ng magandang usapan? Kaya isang paspasang kalimutan na lang? May mga kaibigan na nananatiling kaibigan, mga kaibigan na abala din sa kani kanilang buhay, mga kaibigan na sadyang maasahan, tulad mo, tulad ka rin nila. Mga taong nag-aabang ng atensyon, mga taong ang hihintayan kung sino ang mauunang mangamusta at marami pang iba.

Minsan nawawala ang pagkakaibigan sa oras na nagkaka aminan na, ayaw ng maging kaibigan, pero gusto naman maging magkasintahan, pero hindi uubra ang gusto ng isa tapos ayaw naman ng isa, kung babalansehin eh mas mabigat ang ayaw sa gusto. Lagi namang ganun, kaya sa huli? Nawawala ang pakiramdam at pagkakaibigan.

Maraming katanungan na wala pa ring kasagutan. Kailan natin malalaman? Sa oras ba na huli na ang lahat? O sa oras na hindi pa huli ang lahat pero hindi ito umayon sa iyong inaasahan?

Sa dami ng tanong.. Mabuti na nga lang sigurong magkalimutan na lang.

 

-d♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s