MAGHINTAY AY DI BIRO.

Mahirap mag hintay sa isang tao na walang kasiguraduhang dadating ito. ‘Yung parati kana lang aasa sa mga salitang “sa tamang panahon” at   “Maghintay ka lang, dadating din yan”. Pero kahit alam mong .0999 percent lang ang chance na makita at dumating s’ya sa buhay mo, wala ka paring magagawa kung hindi ang maghintay, hanggang sa mapagod ka, hanggang sa sumuko ka.

Sawang sawa na kasi ako maghintay. Araw-araw na lang nasa harap ako ng pinto, nakaabang, umaasang dadating s’ya, umaasang pag silip ko sa bintana s’ya agad ‘yung makikita ko, dahil naniniwala akong s’ya ‘yung magbabalik ng mga ngiti sa aking labi at saya sa aking mukha.

Pero kahit ilang oras ko s’yang hintayin ngayon, mukhang imposibleng makikita ko si Manong. Ang dahilan ng araw-araw na pagtambay ko sa harap ng pintuan namin at pag dungaw sa aming bintana. Ang nag babalik ng ngiti sa aking labi at saya sa aking mukha pag nakikita ko s’ya. Pag nakikita ko s’yang marami pang binatog ang tinitinda n’ya.

Mukhang pinaasa nanaman ako ni Manong dahil dapat kanina pa s’ya dumaan, pero tatlong oras na ang nakakalipas wala parin s’ya. Wala parin yung “ting ting ting ting” na tunog kapag malapit na s’ya. Wala parin ‘yung matandang lalaking naka bike na may dalawang timba sa likod n’ya.

Ganun nga siguro, kapag hinihintay mo ang isang tao, lalo itong hindi magpapakita sa’yo, pero kapag hindi mo hinahanap nandyan lang sya sa tabi mo. Ewan, ang gulo kasi ni tadhana minsan. Pero bigla kong naisip, paano pala kung dumaan na si manong kanina? Napa-aga lang pala s’ya kaya hindi ko naabutan. O kaya naman sa paghihintay ko may nakita akong pagkain sa lamesa kaya ‘yun ‘yung mas napansin ko. Parang kung sino ‘yung nand’yan kahit hindi ‘yun ‘yung gusto mo, s’ya parin ‘yung pipiliin mo dahil minsan sumusuko agad tayo, hindi tayo nagiging ma-tyaga at nagiging atat tayo kaya sa huli hindi tayo nagiging kuntento at hahanap-hanapin mo parin ‘yung gusto mo. Tapos magsisisi ka na sana naghintay na lang ako, at masasabi mo na lang na sana kahit hindi ka ngayon dumating, sana bukas bumalik ka.

……………………………..

“Ting ting ting ting” Napaiktad ako sa talon nung marinig ko ang busina ni Manong. Para akong nabuhayan ng dugo’t laman at biglang nalibugan sa binatog ni manong na kanina ko pa inaasam asam. “Hindi ko na to palalampasin” iniisip ko habang tumatakbo with slooww moottiooonn papuntang pintuan. Pag bukas ko ng pinto. “Paaaaaabiiiiliiiii poooooooooooooo!!!!!!!!!” with confidence ganun.

Pero pag lapit ko. tuuunnggiiinnuuu!! Pinagong pala. bwisit. Parang akala mo s’ya na, hindi pa pala.

Ang saket sa heart </3

 

-d♥

Advertisements

TANGGAPIN MONA, YOU ARE NOT SPECIAL.

Minsan kailangan nating tanggapin na hindi natin hawak ang mundo, na ikaw ay isa lang sa mahigit pitong bilyon na taong naninirahan dito. Siguro bida ka sa sarili mong kwento pero hindi sa iba.

Kontrolado mo ang sarili mo pero hindi ang ibang tao. P’wede mong gawin ang gusto mo pero may hangganan at limitasyon ito.

Hindi mababago ang mundo kung mawala ka man ngayon dahil hindi naman sayo umiikot ito.

Isa kalang sa mga nakikipag-sapalaran sa buhay, Isa ka lang sa mga nakikipag-laban sa tunay na pag-ibig, isa ka lang sa mga naghihintay ng jeep, isa ka lang sa mga pumapasok ng umaga, isa ka lang sa mga nagtitiis, isa ka lang sa mga umaasa at ‘wag mong isiping kapag nawala ka, mag babago ang lahat dahil kahit tumigil ka pa sa paglalakad mo ngayon sa daan, Lahat parin sila gumagalaw, lahat parin sila patuloy ang buhay dahil isa ka lang sa karamihan and you’re not special.

 

-D♥

NAKAKATAMAD

Nararanasan mo na ba ‘yung parang walang nangyari sa buong araw mo? ‘Yung parang gigising ka tapos tutulog kana lang ulit? ‘Yung parang cycle na lang ‘yung buhay mo? ‘Yung pagkagising mo palang, alam mo na ‘yung mga mangyayari mamaya.

 

Grabe siya noh?

 

Ganyan kasi ako, parang wala lang ‘yung isang araw. Parang lumipas lang. Parang okay, tutulog na ulit ako tapos gigising ulit bukas. Ganun lang. Parang wala man lang akong maii-blog sa araw na to, ‘yung wala akong mashe-share na katangahan ngayon sa inyo. Parang blanko ang isip ko.

Pero hindi pala sabi nung Prof. ko, Lahat daw may bago. Araw-araw may nagbabago. Hindi lang natin napapansin kasi hindi natin kailangan. Nand’yan lang ‘yan pero wala tayong pakialam. May magbago man jan o wala at the end of the day hindi parin natin alam. Siguro kailangan lang talaga nating bigyang atensyon ang lahat ng bagay. Kailangan nating suriin para malaman ang kalahagahan. Ganun lang daw ‘yun. Kailangan lang nating tumingin sa paligid para malaman ‘yung tunay na kwento.

Kaya para sakin kahit lugaw na ‘yung isip mo may ma-bablog kaparin, may makwekwento ka parin.

 

-d♥

KONTING ORAS PA

Naniniwala ako na ang isang bagay ay nakalaan sa tamang posisyon o lugar.

 

Kailangan  lang siguro natin ng kaunting oras o panahon para malaman kung saan nga ba ito dapat, kung saan ito tama. Dahil kapag pinilit natin ang isang bagay na hindi sakto sa kinalalagyan niya, hindi magiging maganda ang kalalabasan.

Hindi tayo makukuntento hanggang mapalitan natin ang isang bagay na akala natin ay walang halaga pero ang totoo hindi lang natin nahanap kung saan s’ya nararapat talaga.

 

-D♥

SAWA KANA AGAD?

Bakit kaya may mga taong ang daling mag-sawa? Yung mga taong kahit madami kayong napagsamahan, ang dali dali lang para sakanila na bumitaw?

 

Ang sarap sapakin ng mga taong ganito noh?  ang dami niyo ng nalagpasan .. Yung mga problema na MAGKASAMA kayong gumawa ng solusyon.. tapos bigla ka na lang iiwan .. Hindi na niya inisip lahat ng mga araw na MASAYA kayong dalawa at kuntento na magkasama .. Hindi niya man lang naisip na kapag iniwan ka niya, iiyak ka ng sobra.. Syempre masakit yun para sa taong iniwanan.. yung tipong sobrang effort ka sa relationship mo para mag-work, kahit mukha ka ng TANGA gagawin mo pa din.. WALA EH.. GANYAN TALAGA PAG-NAGMAMAHAL KA ..

Pero kailangan mong tanggapin .. WALA NA SIYA. INIWAN KA NA NIYA.. AYAW NA NIYA .. SAWA NA SIYA.. OO, alam ko masakit.. pero wala ka ng magagawa kung siya na mismo ang bumitaw.. Tanggapin mo desisyon niya, dahil MAHIRAP PILITIN ANG ISANG TAO SA ISANG RELASYON NA AYAW NA NIYA.

 

-d♥

ANO KAYA PA?

Karaniwang tanong sa akin ng mga kaibigan ko at maging ang sarili ko eh natanong ko na rin..

Wala talaga magagawa pag ang puso ang nag dikta.

Walang makakapigil,nakakapag-utos,makakakontra. Pag gusto ng puso mo eh gusto mo talaga. It’s either kung mas nangibabaw si “Brain”. Kaya nga minsan daming tanga sa pag-ibig eh. Mas dominant kasi ang PUSO.

Pero wala tayo masisisi, ganyan ang pag-ibig. Isang malaking sugal. Di pwedeng walang PAASA at UMAASA. Pero ang swerte nung mga nakakajackpot na kapag gusto mo siya eh gusto ka rin niya. Kaso bihira lang yan. Karaniwang pang telenovela lang.

Balik tayo sa tanong.

Ganito yan. Kapag mahal mo, hindi mo talaga basta basta makakalimutan yan.

Pero nasa sayo yan, kung aasa kaba kahit alam mong walang pag-asa o titigil kana lang at iiwan siya. Mahirap kasi talaga pumili pagdating sa ganyan. Minsan kasi kung saan nandun yung kasiyahan natin. Kung saan nandun yung taong nagpapasaya sa atin eh nandun din yung bagay na nakakapagpalungkot sa atin. Kaya nauso ang martyr. HAHAHAHA

Eh pangit nga naman, kung masaya ka sa kanya pero puro saya lang. Di balance. Kailangan ng thrill. Haha. XD joke! Basta ayun. follow your heart lang at kung san ka mas magiging masaya at panatag eh dun kana. Eh kung masaya ka naman na minamahal siya pero nasasaktan ka,eh ok lang yan.

Atleast naipapadama mo naman sa kanya na mahal mo siya.

 

-d♥

DALAWA

Sa pagmamahal may dalawang part na napakahirap.

 

Ang pag-stay at pag-let go.

 

Dalawa lang yan, depende sa sitwasyon na meron ka kung alin ang magiging mas mahirap sa dalawa.  May mga bagay kasi sa mundo na gusto mong magstay, kasi dun ka masaya o sa tingin mo dun ka lang sasaya.

Nag s’stay ka kasi mahalaga sayo yung tao, kasi ayaw mo siyang mawala sa buhay mo, o maaaring may iba ka pang dahilan bakit ka pa nagsstay sa buhay niya. Pero kadalasan marami ring sitwasyon yung kahit gusto mong mag stay eh kailangan mo talagang mag-let go. Oo masakit, given na yun eh.

Sa pagle-let go hindi pwedeng walang masasaktan, masasaktan ang nang iwan o kaya ang iniwanan o maaari ring kayong dalawa. Pero ang pagle-let go minsan may malalim na dahilan. Dahilan na minsan di na natin sinasabi sa taong iiwan natin kasi tingin natin wala ring magbabago kahit sabihin pa natin.

Napakahirap din kasi mag-stay sa isang bagay kung saan dun ka nga masaya pero nasasaktan ka rin pala, at napakahirap din mag-let go sa isang bagay na alam mong hindi mo na maaaring mahanap sa iba ang kasiyahan na nadadama mo sa kanya.

 

-d♥

ANG BIGAT MO NGA PALA TALAGA ANO?

Ang bigat. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin o iisipin.

 

May mga bagay kasi sa buhay ko na gusto kong i-settle pero alam kong hindi naman na maaayos dahil hindi ko naman mako-control ang nararamdaman ng iba. Ang hirap ayusin ang isang bagay na ayaw nang ayusin na.

People come and go nga talaga. Ang hirap pigilan ng isang taong umalis ng buhay mo. Wala ka nang magagawa kundi ang tingnan sila habang umaalis sa buhay mo. Oo, sinusubukan kong huwag lumingon. Huwag tumingin o pansinin man lang ang pagkawala niya o nila.

Inhale. Exhale. Nakakapagod din pala. Pero naisip ko, may tatlong uri ng problema: yung may magagawa ka at talagang mababago mo, may magagawa ka pero hindi na magbabago at yung wala ka nang magagawa at wala nang magbabago.

 

Sinubukan ko na. Wala talaga eh. Ganun talaga. Ang last thing na lang na gagawin ko ay tanggapin at mag-move on. Hindi lang sila ang tao sa buhay ko. Oo, masakit pero kailangang tanggapin.

 

-d♥