MAGHINTAY AY DI BIRO.

Mahirap mag hintay sa isang tao na walang kasiguraduhang dadating ito. ‘Yung parati kana lang aasa sa mga salitang “sa tamang panahon” at   “Maghintay ka lang, dadating din yan”. Pero kahit alam mong .0999 percent lang ang chance na makita at dumating s’ya sa buhay mo, wala ka paring magagawa kung hindi ang maghintay, hanggang sa mapagod ka, hanggang sa sumuko ka.

Sawang sawa na kasi ako maghintay. Araw-araw na lang nasa harap ako ng pinto, nakaabang, umaasang dadating s’ya, umaasang pag silip ko sa bintana s’ya agad ‘yung makikita ko, dahil naniniwala akong s’ya ‘yung magbabalik ng mga ngiti sa aking labi at saya sa aking mukha.

Pero kahit ilang oras ko s’yang hintayin ngayon, mukhang imposibleng makikita ko si Manong. Ang dahilan ng araw-araw na pagtambay ko sa harap ng pintuan namin at pag dungaw sa aming bintana. Ang nag babalik ng ngiti sa aking labi at saya sa aking mukha pag nakikita ko s’ya. Pag nakikita ko s’yang marami pang binatog ang tinitinda n’ya.

Mukhang pinaasa nanaman ako ni Manong dahil dapat kanina pa s’ya dumaan, pero tatlong oras na ang nakakalipas wala parin s’ya. Wala parin yung “ting ting ting ting” na tunog kapag malapit na s’ya. Wala parin ‘yung matandang lalaking naka bike na may dalawang timba sa likod n’ya.

Ganun nga siguro, kapag hinihintay mo ang isang tao, lalo itong hindi magpapakita sa’yo, pero kapag hindi mo hinahanap nandyan lang sya sa tabi mo. Ewan, ang gulo kasi ni tadhana minsan. Pero bigla kong naisip, paano pala kung dumaan na si manong kanina? Napa-aga lang pala s’ya kaya hindi ko naabutan. O kaya naman sa paghihintay ko may nakita akong pagkain sa lamesa kaya ‘yun ‘yung mas napansin ko. Parang kung sino ‘yung nand’yan kahit hindi ‘yun ‘yung gusto mo, s’ya parin ‘yung pipiliin mo dahil minsan sumusuko agad tayo, hindi tayo nagiging ma-tyaga at nagiging atat tayo kaya sa huli hindi tayo nagiging kuntento at hahanap-hanapin mo parin ‘yung gusto mo. Tapos magsisisi ka na sana naghintay na lang ako, at masasabi mo na lang na sana kahit hindi ka ngayon dumating, sana bukas bumalik ka.

……………………………..

“Ting ting ting ting” Napaiktad ako sa talon nung marinig ko ang busina ni Manong. Para akong nabuhayan ng dugo’t laman at biglang nalibugan sa binatog ni manong na kanina ko pa inaasam asam. “Hindi ko na to palalampasin” iniisip ko habang tumatakbo with slooww moottiooonn papuntang pintuan. Pag bukas ko ng pinto. “Paaaaaabiiiiliiiii poooooooooooooo!!!!!!!!!” with confidence ganun.

Pero pag lapit ko. tuuunnggiiinnuuu!! Pinagong pala. bwisit. Parang akala mo s’ya na, hindi pa pala.

Ang saket sa heart </3

 

-d♥

One thought on “MAGHINTAY AY DI BIRO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s